Mas mapapamahal ang pagkuha ng visa para sa mga planong bumiyahe sa Japan matapos ianunsyo ng pamahalaan nito ang limang beses na taas-singil na ipatutupad simula Hulyo 1.
Sa ilalim ng bagong fee structure, tataas sa 15,000 yen (P5,850) mula 3,000 yen (P1,170) ang bayad para sa single-entry visa. Aabot naman sa 30,000 yen (P11,700) mula 6,000 yen (P2,340) ang bayad para sa multiple-entry visa.
Inanunsyo ni Japanese Foreign Minister Motegi Toshimitsu ang hakbang kasunod ng isang ministerial meeting na nag-apruba sa mga pagbabago sa regulasyon sa visa fees at iba pang kaugnay na singil.
Inaasahang sasaklaw ang bagong singil sa lahat ng foreign nationals na mag-a-apply para sa Japanese visa, kabilang ang mga turista, estudyante, at business travelers.
Dumating ang anunsyo ilang linggo matapos sabihin ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na pinag-aaralan ng Japan ang mga hakbang upang mas mapadali ang pagpasok ng mga Pilipino sa bansa, kabilang ang posibilidad ng visa-free entry.
Trending
- Mag-utol na Yulo nag-uwi ng gold, bronze medal sa Asian Championships
- EALA BIGO KAY MERTENS; SEEDED NO. 29 SA WIMBLEDON
- Taiwan trip ng KimPau, bukelya
- Cacai, naloka sa P94+k bill ng kuryente!
- JLC at Ellen, may ‘balikang’ magaganap
- Malakihang rollback sa presyo ng petrolyo
- Bagyong Francisco, lumakas pa
- Pre-trial sa impeachment ni VP Sara umusad na

