Tinalakan ni Sharon Cuneta ang pagdadawit sa kanyang pamilya ng 18 ‘Maleta Boys’.
Sa kanyang Facebook page, nag-post si Sharon ng mensahe bilang sagot sa akusasyon ng “Maleta Boys” na isa umano si Sen. Kiko Pangilinan na tumanggap ng mga maleta ng pera nang magtungo silang mag-asawa sa Marawi.
“MGA SINUNGAAAALING!!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!! I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko,” ayon sa post ni Sharon.
Hindi talaga naitalaga ng megastar ang matinding galit sa kontrobersyang pinaputok ng 18 dating bodyguard ng puganteng si Zaldy Co.
“Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!! Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!!,” ani Sharon.
Dagdag pa ng aktres, tuloy ang kanyang pagtatrabaho at paglaban nang patas sa buhay. Aniya, lahat ng meron siya ay pinaghihirapan nila.
” Eto nagtetaping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas, dahil lahat ng meron kami, PINAGHIHIRAPAN NAMIN!!! Hindi kami tulad ninyong mga sinungaling!!! Kaya sabi nga nila, KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW!!!
“Bahala na ang PANGINOONG Diyos sa inyo. ALAM NIYA KUNG SINO ANG TOTOONG SUMUSUNOD AT SUMASAMBA SA KANYA!!! WALA KAYONG KWENTANG TAO!!!,” pagtalak pa ni Sharon.
Sa kasalukuyan, pabago-bago ang akusasyon ng Maleta Boys kung saan dagdag-bawas na ang nangyayari sa mga pangalang ikinakanta ng mga ito na hinatiran daw nila ng male-maletang pera mula kay Co.
Trending
- EALA DISKARIL SA BERLIN OPEN, SABAK SA HOMBURG
- Gymnast ng Pilipinas handa na sa Asian Championships sa China
- John Estrada ibinuking tunay na ugali ni Daniel Padilla
- Sharon Cuneta rumesbak sa ‘Maleta Boys’
- Andrea Brillantes binakuran ng dyowang basketbolista
- Pampang ng ilog gagawing parke sa Manila Bay rehab
- DOJ inilunsad bagong prosecutors manual
- Pinas walang inaangkat na sariwang ube

