Not only is Emma Tiglao a beauty queen, busilak din ang kanyang puso.
Nitong nakaraan, isa si MGI 2026–along with her friend Daiana Menezes–sa nag-live selling ng kanyang pre-loved personal items.
Ito’y bilang tulong sa mga biktima ng 7.8 magnitude na tumama sa Southern Mindanao.
Ipinost ni Daiana sa kanyang social media account ang live selling nila ni Emma.
Game na game ang dalawang girls habang hawak-hawak pa ang mga ibinebentang damit.
“Live selling para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao. Go to our Facebook and orderl” paanyaya ng Brazilian beauty.
Successful naman ang kanilang fund drive dahil ayon na din kay Daiana ay nakalikom sila nang mahigit P10k.
Sey niya: “Thank you po! Naka-Php 10k+++ para sa mga victims ng lindol. Impromptu live selling namin ni @emmatiglao…Marami pa po kaming ibebenta para sa tulong po.
“Keep us with us here sa social media!”
Mabuhay kayo, Emma at Daiana!
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

