Inatasan ng International Criminal Court (ICC) ang isang panel ng mga eksperto sa psychiatry, neurology, at psychology upang muling suriin ang kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Layunin nitong matiyak kung siya ay fit to stand trial sa nakatakdang paglilitis sa Nobyembre 30, 2026. Ang resulta ng pagsusuri ay inaasahang ilalabas sa Agosto 18, 2026.
Sa pagbisita sa detention cell, nagbigay-daan ang ICC Registry sa limitadong personal na pagbisita kay Duterte sa kanyang selda sa The Hague.
Pinahihintulutan ang piling personalidad na makabisita, ngunit ito ay subject sa approval at security protocols ng korte.
Layunin nitong mapanatili ang kanyang karapatan sa komunikasyon at kalusugan habang nasa detensyon.
Bagaman, lihim kung sino ang mga bagong dalaw ni Duterte, binabanggit sa ilang ulat na posibleng ang mga ito ay sinuman kina Honeylet Avancena dili kaya ay ang abogadong si Harry Roque.

