Tatlong araw bago ang pre-trial conference, nakatuklas ang prosecution team ng ebidensiya na lalo umanong magdidiin kay Vice President Sara Duterte sa Articles of Impeachment na may kaugnayan sa unexplained wealth.
Ito ang kinumpirma ni Prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon nitong Biyernes, Hunyo 12.
“Oo meron pero next week na i-disclose sa pre-trial,” ani Ridon na nakatoka sa unexplained wealth case.
Nang tanungin kung anong uri ang bago ebidensyang natuklasan ng mga ito ay sinabi nito na “personal properties”.
Tulad aniya ng bilyones ni Duterte sa bangko nito at asawang si Atty. Manases Carpio, sinabi ni Ridon na hindi idineklara g pangalawang pangulo ang mga ari-ariang ito sa kanyang statement of Assets, Laibilities and Networth (SALN).
Kasama aniya ito sa ipapamarkahan ng prosecution team sa pre-trial conference bilang ebidensya sa article of impeachment na may kaugnayan sa hindi maipaliwanag na yaman ng pangalawang pangulo.
Sa Lunes, June 15, 2026 ay inaasahang magsusumite ang prosecution team ng pre-trial briefing at sa June 18 isasagawa ang pre-trial conference kung saan papangalanan na ang mga witness na ihaharap ng mga ito laban kay Duterte.
Kasama sa pre-trial conference ang pagmamarka ng mga ebidensya ng prosecution team kung saan kasama na umano dito ang bagong mga ari-arian na pag-aari umano ni Duterte subalit wala sa kanyang SALN.
=====

Share.