Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino, lalo na ang mga Senador, na isulong ang pagkakaisa at unahin ang paglilingkod sa bayan, hindi sa pansariling interes at kapangyarihan.
Dahil sa gulo sa Senado tungkol sa quorum at pamumuno, nanawagan si Bishop Pabillo na bantayan ng publiko ang mga kaganapan at samahan ito ng panalangin.
Ipinagdasal niya na gabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao para makilala ang tama at mali, at magbagong-loob ang mga senador para hanapin ang kabutihan ng bayan, hindi posisyon o prestige.
Ikinalulungkot ng Obispo na naging sentro ng away sa Senado ang mga posisyon imbes na mga batas at programang makakatulong sa taumbayan.
Ayon sa Simbahang Katolika, mahalaga ang tapat at makataong pamamahala na nakatuon sa kapakanan ng lahat.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

