Biniberipika na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ulat na namataan si Senador Ronald dela Rosa sa isang yate patungo sa hindi tinukoy na probinsiya.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, maaaring layunin ng ganitong ulat na lituhin ang mga awtoridad na nakatoka para arestuhin ang senador.
Ito ay sa gitna ng kinakaharap nitong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) may kaugnayan sa kaniyang naging papel sa madugong war on drugs ng Duterte administration.
Sinabi ni Matibag na maaaring nililigaw lamang sila.
Matatandaan, mula noong napaulat na umalis ng Senado si dela Rosa noong madaling araw ng Mayo 14, ilang oras matapos ang naganap na pamamaril sa premises ng Senado, ay hindi na ito nagpakita pa sa publiko.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang nationwide manhunt kay dela Rosa
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

