Marami palang benepisyo ang matatanggap ng surviving spouse ni Trevor Magallanes na si Rufa Mae Quinto.
Bukod sa pension, meron ding benefit plan, medical care, education at training at housing loan.
Not only kasi was Rufa Mae’s late husband a soldier, pulis din ito.
Ang bansang Amerika pa naman, mataas ang ibinibigay na pagpapahalaga sa mga sundalo, pulis at bumbero.
Kung matatandaan, naiulat na maghihiwalay na sina Rufa Mae at Trevor but the comedienne refused sa pamamagitan ng ‘di pagpayag sa diborsyong gustong mangyari ng mister.
Biglang ginunita ng komedyana ang alaala ni Trevor nitong memorial day.
Bale ba, nag-coincide pa sa kaarawan niya.
Aniya, ngayon lang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob na i-post ang mensahe para kay Trevor:
“I honor you like an honor student…”
Kinailangan daw niyang kayanin para magpasalamat kay Trevor na tinawag niyang “mahal kong asawa.”
Trending
- 200 maniningil sa online lending, arestado
- Hirit ni ex-DPWH Sec.Bonoan na hospital-arrest, aprub!
- China: ‘mass crackdown’ vs illegal Pinoy workers
- Gilas Women nalasap ang back-to-back na pagkatalo sa FIBA 3×3 World Cup
- Alex Eala bumawi sa singles matapos maagang pagkalaglag sa Birmingham Open doubles
- Carla, aminadong walang silbi sa kusina
- Gary V, may dasal sa Senado
- Rufa Mae, paldo sa benefits sa yumaong asawa

