Mas umiigting ang aksyon at tensyon sa serye nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson, lalo at tuluyan na ngang nalalantad ang katotohanan sa likod ng pagpapakalat ng ilegal na armas sa bansa.
Tuluyan na ngang natuklasan ni Richard (Marcus) ang sabwatan ng ilang awtoridad at kriminal na grupo sa operasyon ng smuggling sa kanyang pag-iimbestiga sa Isla Damai. Samantala, ipinagpapatuloy naman ni Gerald (Jalil) ang kanyang pagpapanggap bilang pulis upang mas mapalalim ang imbestigasyon pagkatapos niyang mapagtagumpayang iligtas ang kanyang adoptive father na si Jaime Fabregas (Datu Rahman).
At dala naman ng matinding galit at hangaring makamit ang hustisya para sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, nakipagtulungan Bela Padilla (Lara) kay Baron Geisler (Felix) upang mabawi si Datu Rahman mula kay Jalil.
Sa gitna ng lumalalang panganib, mukhang patuloy lang na paghihiwalayin ng tadhana sina Marcus at Jalil ng kanilang tungkulin at magkaibang paniniwala o matuklasan na kaya nila na parehas ang kalabang kinakaharap nila kaugnay sa planong destabilisasyon laban sa gobyerno?

Share.