Nakahandang kumasa si dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV sa hamon ni Sen. Rodante Marcoleta sakaling imbitahin siya nito sa imbestigasyon sa Senado kaugnay sa paglitaw niya noong tangkang arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sinabi ni Trillanes na hindi raw siya natatakot kay Marcoleta.
“Game ako dyan. Hindi naman ako natatakot dito kay Marcoleta…Kung si Marcoleta, hahamunin niya akong pumunta ng Senado para batukan siya, I will accept that as well,” saad ni Trillanes.
Dagdag pa niya, “[T]ime and again paulit-ulit kong sinasabi nandoon ako kasi hinamon ako ni Bato, hinamon niya ako. Ang hamon pwede mong i-accept ‘yong challenge o hindi.”
Matatandaang nahingan ng reaksiyon noong minsan si Marcoleta hinggil sa pagtungo ni Trillanes noon sa Senado dahil sa hiling ni Dela Rosa. Ngunit sabi ni Marcoleta, “‘Pag sinabi ni Sen. Bato na kumain siya ng tae, kakain siya ng tae?”
Ngunit paliwanag ni Trillanes sa panayam ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila, magkaiba umano ang “utos” sa “hamon.”
Aniya, “Iba ‘yong utos, iba ‘yong hamon. ‘Yong hamon, you have the option to accept the challenge. I accepted the challenge, and I was there. Gano’n lang po kasimple ‘yon.”
Sa kasalakuyan, habang isinusulat ang aritkulong ito, wala pang tugon o reaksiyon si Marcoleta hinggil sa pahayag ni Trillanes.
Trending
- SEN. JINGGOY SUMUKO SA PNP-CIDG
- PNVF sususpindehin ng POC
- Spurs pinatalsik Oklahoma, pasok sa NBA Finals
- Ashley, nilaglag ang relsyong Kathryn-Mark
- Ken, may trabaho sa Thailand?
- Kiray, may pa-contest sa gender ng baby
- International scholarships para sa guro palalawigin ng DepEd
- Negosasyon sa ASEAN digital economy framework agreement, natapos na

