Isang makasaysayang tagumpay ang naitala ng 15-anyos na Filipino speedcuber na si Crimson Arradaza matapos niyang basagin ang world record sa 3x3x3 one-handed event sa ginanap na Philippine National Speed Cubing Open 2026.
Ayon kay Shiela Salaysay ng Bilyonaryo News Channel, naitala ni Arradaza ang bagong world record matapos makumpleto ang puzzle sa loob lamang ng 5.33 segundo, na mas mabilis kaysa sa dating rekord na 5.66 segundo na hawak ng Swiss speedcuber na si Dhruva Sai Meruva.
Dahil sa kanyang kahanga-hangang performance, umabante rin si Arradaza sa waluhang finals ng torneo na inorganisa ng Philippine Olympic Committee at Asian Mind Sports Association.
Itinuturing ding makasaysayan ang torneo dahil ito ang kauna-unahang sanctioned Philippine National Speed Cubing Open na ginanap sa bansa, isang mahalagang hakbang para sa paglawak ng mind sports sa Pilipinas.
Sa pakikipagtulungan ng Asian Mind Sports Association, Philippine Olympic Committee at ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay, naisakatuparan ang torneo sa suporta rin ng Stellar Cube, kung saan umabot sa 72 ang lumahok sa iba’t ibang events ng kompetisyon.
Trending
- NCR, lumaki pa ang lamang sa mga katunggali sa Palarong Pambansa; 20 golds na ang bitbit
- 15-anyos na Pinoy nambasag ng world record sa speedcubing
- Matteo, bumisita sa Pag-asa Island, nakipag-boodle sa mga sundalo!
- Anak ni Dennis, naaksidente
- PBBM, tutol sa online voting ng mga senador
- Villafuerte brothers umapela sa Senado na ipasa bagong building code
- Pagkalat ng Ebola sa DR Congo maaaring mapigilan – WHO
- PCG planong bumili ng 56 dagdag na barko

