Umabot na sa lima ang nasawi sa pagbagsak ng isang itinatayong siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 3 nitong Huwebes.
Sa ulat ng BFP Region 3, isang karagdagang biktima ang narekober ng mga rescuer mula sa mga guho alas-7:57 ng umaga habang nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval operations.
“As of 0757H May 28, 2026, the body of one (1) male victim has been recovered, making it this incident’s 5th casualty,” ayon sa BFP Region 3.
Batay sa pinakahuling datos, lima na ang kumpirmadong patay, 15 ang nawawala, at 26 ang nailigtas sa insidente.
Bumagsak ang siyam na palapag na gusali bago magbukang-liwayway noong Linggo. Una nang inilipat ng mga awtoridad ang operasyon mula search and rescue patungong search and retrieval matapos walang makitang palatandaan ng buhay pagsapit ng Lunes ng gabi. Gayunman, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla noong Miyerkules na nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations para sa mga nawawala.
Natukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng paglabag sa occupational safety and health standards sa construction site. Nauna nang naglabas ng work stoppage order ang DOLE Region 3 dahil sa mga kakulangan sa safety, ngunit pinayagan itong ipagpatuloy matapos umano sumunod ang contractor sa mga kinakailangan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward

