Muntik mabudol ng SexBomb Girls ang mga netizen nang magulat sa pagkakaroon nila ng star sa Hollywood Walk of Fame.
Nagpaandar na naman kasi ang SBG habang nasa Hollywood Boulevard at sa mismong mga marker ng mga legendary international star.
Ipinost ito mismo ni Rochelle Pangilinan sa kanyang IG na may caption na, “Ang dancer kahit hindi pa ready, basta makarinig ng music..sayaw agad! Matic!”
Mapapanood sa video na kinunan muna ng camera ang marker sa sahig ng kalye na may pangalang SexBomb Girls at saka itinutok sa kanilang grupo.
Sabay-sabay na humataw agad ang iconic Pinay group.
Dahil sa marker, muntik nang mabudol ang mga Pinoy fan na merong Walk of Fame ang SexBomb Girls.
“Paano nila pinalagay yan sa walk of fame?”
Agad namang sumagot ang netizen at ipinaliwanag ang sitwasyon.
“Yung letters nilalagay lang siya diyan. May mga nakatambay diyan sa walk of fame bayaran mo sila tapos ilalagay nila name mo sa mga star dyan sa daan.
“May blank stars po kasi sa walk of fame na lalagyan ng letters na gusto mo palagay. For a fee siyempre.”
Bukod sa Hollywood Boulevard, nagpakitang-gilas din sa pagsayaw ang grupo sa Fisherman’s Wharf sa San Francisco, at nag-ala mob squad ang mga ito sa paghataw.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

