Palalakasin ng pamahalaan ang hakbang upang masigurong makakakuha ang bansa ng kalahati ng power generation nito mula sa renewables pagsapit ng 2040, na may bagong auction round na target makakuha ng 20 gigawatts (GW) ng karagdagang kapasidad.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, sa ngayon ay naigawad na ng Department of Energy ang 20 GW halaga ng kontrata mula sa mga dating bugso ng green energy auction (GEA).
“We project that we will need to conduct additional GEAs for around 20 gigawatts more capacity… to reach 50 percent by 2040,” ani Garin.
Sa ngayon, ang share ng renewables sa electricity mix ng bansa ay nasa 25 percent, na mababa pa sa 35 percent goal sa loob ng limang taon.
Para pabilisin ang deployment ng clean power assets, ang DOE ay nagsasagawa ng green power biddings para hikayatin ang pribadong sektor na taasan ang investments nito.
Isa sa inisyatibo ay ang GEA program na nagbibigay sa winning bidders ng fixed rates.
Para sa taong ito, ang DOE ay naghahanda sa ilang bidding rounds kabilang ang offshore wind, special round para sa waste-to-energy facilities, at biomass.
Ang ikapitong round ng GEA ay tututok sa Mindanao para tugunan ang tumataas na electricity demand at pagpapakilala ng mas balanseng power system sa buong bansa.
Ilulunsad din ang bagong batch para sa Visayas at Mindanao.
Kasabay nito ay palalawakin din ang solar at wind farms sa Pilipinas.
Sinabi ni DOE undersecretary Rowena Cristina Guevara na ang ahensya at ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ay nagtutulungan para masiguro na handa ang grid network.
“And I’m very happy to report that NGCP has been very good at accommodating the necessary transmission assets for these particular green energy auction winners,” ani Guevara.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer

