Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang payout para sa duly documented trips sa ilalim ng service contracting program ng pamahalaan ay naipamahagi na sa mga operator na dapat namang ibayad na sa mga public utility vehicle (PUV) driver na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa kanilang bayad.
Sa panayam, hinimok ni LTFRB Board Member Atty. Greg Pua Jr. ang mga drayber na makipag-ugnayan sa kani-kanilang operator upang matanggap ang bayad.
Ang kasunduan sa ilalim ng Service Contracting Program (SCP), ani Pua, ay sa pagitan ng LTFRB at ng mga operator lamang.
“Ang kakontrata po ng LTFRB, ng gobyerno dito, ay ang ating mga operators—those corporations and cooperatives. Wala po tayong kakontrata na mga drivers,” sinabi ni Pua.
Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng pagtatapos ng CSP na inulan ng mga reklamo mula sa mga tsuper na nagsasabing hanggang ngayon ay hindi pa nila natatanggap ang bayad sa paglahok sa programa.
Ayon kay Pua, batay sa rekord ng LTFRB, nabayaran na ang lahat ng properly transmitted trips o mga biyahe ng PUV na nakalagay sa online system ng pamahalaan para sa SCP.
“Sila naman po ‘yung mga korporasyon at mga coop, sila naman po ‘yung mga may obligasyon na ibigay naman po ‘yung parte nu’ng mga drivers po nila,” dagdag pa niya.
Ang pangunahing dahilan ng delayed payments sa mga operator ay ang unsubmitted transmitted trip records at paggamit ng ibang bangko bukod sa Landbank.
Sinabi ni Pua na ang mga requirement na ito ay agad namang natugunan at ang mga operator ay nabayaran sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
“Kung may problema po kayo, kung may pinag-usapan po kayo ng mga operator ninyo at hindi po sinunod, makipag-ugnayan po kayo sa aming opisina. Hindi po kami magdadalawang-isip na i-show cause o suspendihin or kanselahin ang mga prangkisa ng inyong mga operator.”
Layon ng pamahalaan na makumpleto ang lahat ng payout sa mga operator sa katapusan ng Mayo.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer

