Back in town si Dimples Romana from her trips to Spain and Switzerland.
Spain dahil isa nga ang aktres sa mga inaasahang dadalo sa kasalan nina Bea Alonzo at Vincent Co.
Switzerland dahil after Spain ay doon ang destinasyon ni Dimples.
Pero sa kanyang Instagram post, no mention si Dimples ng kanyang pagdalo sa naturang wedding.
Early on ay may ulat nang no wedding in Spain took place dahil sa umano’y prenup agreement na pinalagan ni Bea.
Just the same, itinuloy na lang ni Dimples kasama ang asawang si Boyet Ahmee ang kanilang pagbiyahe sa Spain para makapagbakasyon na din.
Segue na ang Swiss trip para mabisita ang location ng kanilang paboritong Koreanovela na Crash Landing On You.
On IG, Dimples thanked the one who took care of their two children while they were away.
Ayon sa kanyang post: “God is good. To say that this trip beautıfully changed me would be an
understatement. Time to get back to work and enjoy the fruits of our labor.
“Cause life is short and time is fleeting and won’t be blinking for there might not be another time–to love, to live, to work and to keep dancing to the beat of life.”
May jetlag pa rin daw si Dimples upon return.
Sa mga darating na araw daw ay bibiyahe naman daw siya sa Dakak for a speaking engagement on leadership and weekend hosting.
Lagare daw si Dimples sa dami ng mga nakaabang na trabaho:
“There’s plenty of work to be done so let’s do this!”
Trending
- Dimples, nakabalik na from Spain, walang chicka sa Bea-Vincent wedding
- Rita, pabor na ‘di tumakbo si Leni sa pagka-pangulo
- Awra, rumesbak sa professor
- NASCAR Cup Series champion Kylie Busch pumanaw na sa edad 41
- Eala vs Iva Jovic
- Isa sa mga TBM ng Metro Manila Subway Project bumiyahe na
- Higit 4,600 bagong kaso ng HIV, naitala
- Reporma sa basic education, isinusulong ng DepEd

