Iginiit ng kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na walang sapat na batayan ang paglalarawan sa kanya bilang “armed and dangerous” ng National Bureau of Investigation (NBI), kasunod ng pahayag ni NBI Director Melvin Matibag.
Nitong Sabado inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na itinuturing na “armed and dangerous” si Senador dela Rosa sa ilalim ng umiiral na protocol.
“It’s our standard protocol that if we’re doing search or locating a fugitive from justice, ang presumption namin lagi is armado ‘yan at delikado yung magiging approach,” ani Matibag.
Ayon pa sa NBI chief, kumikilos sila nang may pag-iingat sa bawat lead at hinihinalang kinaroroonan nito, habang handa ang ahensya sa anumang posibleng insidente sakaling manlaban ang sinumang pinaghahanap ng batas.
Nahaharap si Dela Rosa sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs.
“With all due respect to Director Matibag and the NBI, this characterization is without factual basis and, we submit, does not contribute to an orderly and peaceful resolution of the legal issues at hand,” ani Atty. Israelito Torreon sa isang pahayag nitong Linggo.
“Senator dela Rosa is a sitting Senator of the Republic of the Philippines who has, at all times, conducted himself peacefully and in a manner consistent with his dignity as a public servant and as a Filipino citizen,” dagdag pa niya.
Binanggit ng kampo na ang deployment ng mga armadong tauhan para ipatupad ang International Criminal Court (ICC) warrant of arrest laban sa senador ay patuloy na pinagdedebatehan sa mga korte.
Muli rin nilang iginiit ang pag-atras ng Pilipinas mula sa Rome Statute noong 2019 at ang kawalan ng anumang warrant mula sa lokal na hukuman.
“Senator dela Rosa has not defied the law… we respectfully submit that these legal questions deserve to be resolved through the orderly processes of our judicial system, and not through the use of force or inflammatory public statements,” ani Torreon.
Ipinabatid din ng kampo na noong Mayo 22, naghain sila ng Manifestation with Reservation to File a Motion for Reconsideration sa Korte Suprema, kaugnay ng mga bagong pangyayari matapos ang naunang pagbasura sa hiling na temporary restraining order.
Nanawagan ang kampo ng senador sa NBI at iba pang ahensya ng pamahalaan na magpakita ng pag-iingat at hayaan ang Korte Suprema na magpasya alinsunod sa Konstitusyon at rule of law.
Tiniyak din nila na ipagpapatuloy ang kanilang legal na hakbang sa tamang proseso at may buong tiwala sa mga korte ng bansa.
Trending
- NBI: Iba pang personalidad posibleng maharap sa ICC arrest warrants
- Gusali sa Pampanga gumuho: 19 nasagip, 20 ‘missing’
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros

