Inaresto sa Spain ang anak ng yumaong founder ng Mango na si Jonathan Andic kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng kanyang ama na si Isak Andic noong 2024.
Dinala si Jonathan para sa questioning sa Barcelona bilang bahagi ng posibleng homicide investigation.
Namatay ang 71-anyos na fashion tycoon matapos mahulog mula sa mahigit 320 talampakang bangin sa Montserrat caves malapit sa Barcelona habang nagha-hiking kasama ang anak noong Disyembre 2024.
Noong una ay itinuring ng mga awtoridad na aksidente ang pagkamatay ni Isak ngunit muling nabuksan ang kaso matapos lumutang ang umano’y magkakasalungat na pahayag ni Jonathan sa mga imbestigador.
Si Jonathan umano ang tanging saksi sa insidente at sinabi nitong naglalakad siya sa unahan ng ama nang marinig niya ang pagbagsak ng mga bato bago nakita ang ama na nahulog sa bangin.
Gayunman, ayon sa police sources, hindi tugma ang kanyang salaysay sa forensic evidence na nakalap sa kaso.
Sa kabila nito, nanindigan ang pamilya Andic na inosente si Jonathan.
Si Isak Andic ang nagtatag ng Mango noong 1984 at tinatayang may yaman na aabot sa $4.5 billion bago siya namatay. Isa siya sa pinakamayamang tao sa Spain.
Pagkatapos ng kanyang pagpanaw, pinangunahan ng kanyang tatlong anak ang pamamahala sa fashion empire.
Trending
- NBI: Iba pang personalidad posibleng maharap sa ICC arrest warrants
- Gusali sa Pampanga gumuho: 19 nasagip, 20 ‘missing’
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros

