Spotted sa publiko ang nobyo ni Bea Alonzo na si Vincent Co sa araw sana ng kanilang kasal sa Spain nitong May 14.
Dumalo ang presidente ng chain of supermarkets kasama ang amang si Lucio Co sa 2026 Tindahan ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.
Special guest performers sina Kyline Alcantara, Angeline Quinto at Kathryn Bernardo.
Walang miyembro ng media ang naroon para i-cover ang nasabing event.
Dinig ng mga naroon, sinadya daw ‘yon para hindi ma-stress si Vincent.
Araw kasi dapat ‘yon ng pag-iisang-dibdib nila ni Bea na nakatakda sa Spain.
Bago rito’y naiulat nang hindi matutuloy ang inaasahang kasal dahil sa ilang mga nakasaad na kundisyon sa kanilang prenup agreement.
Pero dawit din ang manager ni Bea na si Shirley Kuan na isa sa dalawang pumipigil sa kasal ng aktres.
Ang isa’y ang campaign strategist na si Alan German.
Ang pagkawala umano ng itinuturing nilang “cash cow” ang dahilan ng kanilang pagtutol.
Itinanggi naman ni German ang ulat dahil hindi pa raw niya nakakaharap si Bea, even offering P10k sa sinumang makakapagpatunay nito.
As for Bea’s manager, wala daw itong record na nangingialam sa personal na buhay ng kanyang mga alaga–isa na dito’y si Donna Cruz na ikinasal kay Dr. Yong Larrazabal noong September 1998.
Trending
- Ramilo nagtapos na 23rd sa FIG World tourney
- Alyssa Valdez magbabalik sa Alas Pilipinas?
- ‘Powerpuff Girls’ voice actor Tom Kane pumanaw na
- Bimby papasok sa politika?
- Andrea Brillantes paandar sa binyag ng anak ni Bea Borres
- Ebidensyang hawak ni Romualdez vs PGMN, malakas
- Kalinga Act, aprubado na sa Kamara
- Comelec: May 5.3M newly registered voters sa 2026 BSKE

