Nadagdagan pa ng umano’y paglabag sa Republic Act No. 11917 o Private Security Services Industry Act ang mga reklamong inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon, May 19 laban kay alias “Francis Leo Marcos” at 9 na iba pa.
Ito ay matapos umanong madiskubre ng mga awtoridad ang umanoy unauthorized practice of private security professional ng nasabing mga indibidwal kahit wala silang valid na License to Exercise Security Profession.
Patuloy namang nakikipag ugnayan ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa CIDG at iba pang ahensya ng gobyerno para masigurong umuusad ang imbestigasyon at prosekusyon sa lahat ng mga kasong kinahaharap ng nasabing mga indibidwal.
Matatandaang inaresto si alias “Francis Leo Marcos” dahil sa 12 counts ng Cyber-Related Unjust Vexation sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

