Sugatan ang dalawang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) nang bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa Mt. Sto. Tomas sa Sitio Cabuyao, Barangay Poblacion, Tuba, Benguet nitong Miyerkoles ng umaga, Mayo 20.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente 10:20 ng umaga ngunit nai-report lamang sa mga awtoridad 11:40 ng tanghali.
Ang bumagsak na aircraft ay may tail number na 10-39, ayon kay Lt. Col. Roy Calulot, tagapagsalita ng Benguet Police.
Isa sa mga sugatan ay kinilalang si First Lt. Ruth Pasos habang hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pangalan ng isa pang crew member na isang lalaking airman.
Natagpuan umano ang dalawang crew na walang malay at agad binigyan ng paunang lunas bago isinugod sa pagamutan.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

