Sibak sa pwesto ang inabot ng dalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways sa Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR).
Ayon sa DPWH, tinanggal sa pwesto sina District Engineer Isagani Cayme at Engineer III Marjory Banao ng DPWH-CAR dahil sa kakulangan ng mga road safety signages at traffic control device.
Kabilang dito ang kulang na concrete barrier sa nakatiwangwang na gumuhong bahagi ng kalsada sa Beckel, La Trinidad, Benguet na ikinasawi ng isang siklista matapos mahulog sa bangin.
Ayon kay Dizon, hindi na dapat maulit ang ganitong insidente na dulot ng kapabayaan ng mga opisyal ng ahensiya.
Kasunod nito, nagbabala ang kalihim sa lahat ng DPWH contractors na awtomatikong kakanselahin ang kanilang kontrata, ilalagay sa blacklist at sasampahan ng kaso kung makitang walang mahigpit na safety requirements sa kanilang mga ginagawang proyekto.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

