Umani ng papuri ang mga bagong post ni Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, na kung saan ay pinakita na nga niya ang tunay niyang itsura.
Yes, alam naman ng lahat na maganda si Lara, pero iba rin kasi ang dating kapag nagbabago na ang kulay ng buhok ng isang babae.
At sabi nga ni Lara, matagal niyang tinago ang mga puting buhok niya, at ngayon lang niya napagdesisyunan na ilantad na at huwag ikahiya ang pagtanda.
“Ilang taon ko tinago, tiniis, tinakpan… and I’m done. Pagod na ako. Ayoko na. The first time I saw a white hair on my head, I was 12 years old.
“Since my early thirties, I have been dyeing my hair almost every two weeks just to cover the whites we got from our papa. “You see, my papa already had almost fully white hair in his 30s. My brothers, my sister, and I all have a head full of whites and greys.
“I’m finally letting go of ‘perfection’ and embracing my God-given white hair that comes not just with age, but with genetics too. So call me lola or grandma, it’s okay… I’m going to try and rock this white hair. I know it’s not going to be easy because sometimes I look in the mirror and just want to cover it all up again.
“That’s why I’m posting this now… to give myself courage… Will you help me? Maybe even join me on this journey?” sabi ni Lara.
At `yun nga, sa halip na kutyain, mas dumami pa ang humanga kay Lara.
“You are amazing. My whites are starting to show and I’m contemplating whether I should dye or not. This is so inspiring,” sabi ni Camille Prats.
“Ang ganda mo sobra kahit anong color ng hair!” saad ni Jennica Garcia.
“Ganda gandaaaa!” sey naman ni Dimples Romana.
Well, mababasa rin ang comment ng mga faney, netizen, na lahat ay naga-agree, na kahit ano pang kulay ng buhok ni Lara, magandang-maganda pa rin siya.
At yes, marami ang nahikayat na huwag na ring magpakulay ng buhok, o takpan ng ibang kulay ang mga puting buhok na naglalabasan, ha!

Share.