Sa kauna-unahang pagkakataon ay nito lang naging bahagi ng GMA Countdown to 2025 si Ai Ai de las Alas.
Taong 2015 pa nang lumipat ang Comedy Queen sa GMA mula sa ABS-CBN.
Siyam na taon pa ang binilang bago mapasama si Ai Ai sa mga Kapuso stars na laging nagtatanghal bilang salubong sa bagong taon.
Ang yearly GMA Countdown ay karaniwang ginaganap sa SM Mall of Asia na sinasaksihan ng ‘di mahulugang-karayom na mga manonood mula pa sa malalayong lugar sa bansa.
Nitong nagdaang coundown, nakasuot ng red outfit si Ai Ai na nakipagsabayan sa mga Kapuso stars led by Ruru Madrid, Bianca Umali, major cast of the Sang’gre: Encantadia Chronicles, the Clash winners at marami pang of ba.
Sumablat lang si Ai Ai sa opening spiels na naka-assign sa mga Kapuso stars, as in nagkandabakel-bakel siya habang hinahabol ang kanyang hininga sa buwis-buhay niyang performance.
Hindi naman sineryoso ni Ai Ai ang kanyang sablay dahil nakuha pa niyang magbiro.
Aniya on mic: “Pasensya na kayo, marami lang akong pinagdadaanan!”
It elicited laughter from the audience.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kahihiwalay lang nj Ai Ai sa kanyang asawang si Gerald Sibayan noong November last year.
Gayunpaman, sa taas ng energy ni Ai Ai ay obyus na naka-move on na siya mula sa malungkot na kabanata ng kanyang buhay.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider

