Pinanindigan ng NBA na tama ang naging desisyon ng mga opisyal na hindi tawagan ng foul si Cleveland Cavaliers center Jarrett Allen sa dulo ng regulation ng Game 5 kontra Detroit Pistons.
Nagkaroon ng kontrobersiya matapos magbanggaan sina Allen at Ausar Thompson habang hinahabol ang bola sa huling segundo ng laro noong Miyerkules.
Ayon kay Pistons coach J.B. Bickerstaff, malinaw umano ang foul dahil natapilok si Thompson habang papunta sa bola.
Ngunit sa inilabas na Last Two Minutes Report ng liga, sinabi nitong legal ang paghabol ng dalawang manlalaro sa parehong puwesto at “marginal contact” lamang ang nangyari.
Ipinaliwanag din ni crew chief Tony Brothers na incidental contact lamang ang nakita nila sa live play kaya walang foul na ipinataw.
Sa huli, nanaig ang Cavaliers, 117-113, sa overtime upang makuha ang 3-2 abante sa serye. Maaari silang umabante sa Eastern Conference finals kapag nanalo sa Game 6 laban sa Pistons.
Trending
- Hidilyn Diaz target mag-aral sa Europe
- No-call kay Allen ng Cavs, pinagtibay ng NBA
- BINI, iikot sa US, Canada at Europe
- Rufa Mae, kasama ni JLC sa GMA sitcom
- Mister ni Ina, emosyunal sa graduation ng anak!
- Cloud seeding sa Angat Dam
- China sa WPS ikinabahala ng PCG
- Mga pahayag ng Simbahan, gabay sa publiko

