Nababahala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtaas ng presensya ng mga Chinese militia at research vessel sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG spokesperson na si Rear Admiral Jay Tarriela, may limang Chinese research vessel ang namonitor sa lugar nitong nakaraang linggo, at patuloy na may tatlo hanggang apat na barko ang nakikita halos araw-araw.
Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kailangan ng prior consent mula sa Pilipinas para makagawa ng marine scientific research ang mga dayuhang barko sa loob ng EEZ.
Wala raw awtorisasyon ang mga Chinese vessel na namonitor ng PCG.
Nabanggit din ng PCG ang presensya ng Chinese militia vessels malapit sa Pag-asa Island at Escoda Shoal.
Nakita rin ang mga barko ng China sa isinagawang pagbisita ni Senator Kiko Pangilinan sa lugar.
Magpapatuloy ang pagpapalakas ng PCG sa mga patrol operations sa West Philippine Sea upang imonitor at harapin ang mga dayuhang barko sa loob ng EEZ ng bansa.
Trending
- Tony Parker, iba pang basketball icons pinainit ang NBA House Philippines 2026
- Naomi Osaka agaw-eksena bago ang unang laban sa US Open
- 8 pelikula, na-shortlist sa 99th Oscars
- Liza, balik-Pinas, sumakay ng jeep
- “Keffe D” hinatulang guilty sa pagpatay kay Tupac
- TRADISYUNAL NA SINING SA SINGKABAN FESTIVAL
- PANLOLOOB SA PAWNSHOP BUKING, 8 SUSPEK TIMBOG
- VP SARA NAGPIYANSA; MAY BANTA RAW SA KANYANG BUHAY

