Naglabas ang Korte Suprema ng desisyon sa wikang Filipino para sa kasong Mel Velarde at Angeline Macasaet laban sa Court of Tax Appeals Third Division, Bureau of Internal Revenue, at Department of Justice.
Layon nito na gawing mas malapit at mas madaling maintindihan ng publiko ang mga hatol ng hukuman.
Ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh para sa Third Division.
Ayon sa SC, hindi hadlang ang paggamit ng Filipino sa pagpapanatili ng legal precision at wastong paggamit ng mga legal na konsepto.
Kasabay nito, ibinasura rin ng Korte Suprema ang petisyon nina Velarde at Macasaet kaugnay ng tax evasion case matapos maging moot at academic ang usapin.
Nangyari ito matapos na mas naunang ibasura ng Court of Tax Appeals ang kaso at maging pinal ang desisyon.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

