Wala ng buhay ng matagpuan ang bangkay ng 13-anyos na binatilyong nalunod sa karagatan ng Sitio Carillo, Barangay Dammang, Sanchez Mira, Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Ramdolph Salvador, isang gold medalist sa larangan ng taekwondo.
Ayon kay Jovitor Biado, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan, nadiskubre ng ilang residente ang wala nang buhay na katawan ng binatilyo habang palutang-lutang ito sa bahagi ng Barangay Masisit sa kaparehong bayan.
Kinumpirma naman ng mga magulang ng biktima na ang natagpuang bangkay ay ang kanilang anak na unang naiulat na nawawala noong Mayo 11, 2026.
Batay sa inisyal na ulat, nalunod umano ang binatilyo habang naliligo sa dagat kasama ang kaniyang mga kasamahan sa taekwondo team.
Kaagad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga responder, ngunit nitong araw lamang tuluyang natagpuan ang biktima.
Samantala, isa pang 12 anyos na lalakiang kasalukuyan pinaghahanap matapos malunod sa bahagi ng Chico River, Tuao, Cagayan.
Ayon kay Regina Pauleen Cruz, station manager ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) Tuao station, naglalaro ang biktima sa gilid ng ilog kasama ang mga pinsan na pawang mga menor-de-edad nang aksidente umanong naitulak ang biktima sa ilog.
Sa ngayon, patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad.
Trending
- NBA player Brandon Clarke pumanaw @ 29
- Gold medalist sa taekwondo, nalunod
- Matet, tinawag na ‘kampon’, rumesbak
- Vico, wagi ng $1M grant!
- Lito, basted kay LT?
- DA nagpatupad ng import ban sa live animals, animal products mula Greece
- Benhur Abalos namumurong Justice secretary
- Jed Mabilog bagong DILG undersec

