Dahil magkasama sila noon sa Batang Quiapo kung kaya’t isinilang ang tambalang PriManda.
Ang PriManda ay portmanteau ng mga karakter nina Senator Lito Lapid at Lorna Tolentino.
May hatid na kilig nga kay Ms. LT ang panunukso sa kanila ng aktor-pulitiko.
Masuwerte nga raw sila ni Lito dahil kahit kapwa senior citizens sila’y tanggap ng publiko ang kanilang tambalan.
“At least, tinatangkilik ‘yung amin,” pagmamalaki ng aktres, even comparing their loveteam sa nabuwag nang KathNiel.
Bakit naman kasi hindi pa nila totohanin ni Lito ang pagli-link sa kanila, ‘no?
Wala na ba talagang pag-asa na maging sina Lito at LT in real life?
Tahasang sagot ni Lorna: “Sa ngayon, hindi puwede. Malay n’yo sa future!”
‘Yun naman pala, eh.
Sey ni Lorna: “Ang sa akin lang, kilig-kiligan lang! To think pareho na kaming senior citizens ni Lito, ha? Nakaka-bagets lang ng feeling!”
Besides, sa larangan ba ng pag-ibig ay big deal ang edad?

Share.