Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na importanteng panatilihin pa rin ang malinis na kapaligiran at sarili para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.
Muling palala ng DOH na importante na walang anumang daga sa paligid lalo na’t ito ang nagdadala ng sakit na Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS) sa tao.
Base sa pag-aaral, kumakalat ito sa ihi, dumi, at laway ng daga na madalas ay nasa maruruming lugar.
Ang HPS ay isang malalang sakit na maaaring madala sa kamatayan kapag hindi naagapan.
Ayon sa US-Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC), halos 4 sa bawat 10 na kaso ng Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS) ay namamatay dulot ng komplikasyon nito.
Sa ngayon, walang kumpirmadong kaso ng HPS sa Pilipinas kaya’t habang mababa ang risk ng pagkalat nito, importanteng panatilihin pa rin ang kalinisan.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

