Kinumpirma ng isang senador na lumabas ng Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ilang oras matapos ang nangyaring shooting incident sa Upper Chamber noong Miyerkoles, Mayo 13.
Batay sa eksklusibong impormasyon na nakalap ng Abante, inihayag ng isang senador na ayaw magpabanggit ng pangalan na kinumpirma sa kanya ng isang staff mula sa Senate secretariat na lumabas si Dela Rosa ng Senado, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nitong Huwebes, Mayo 14.
Sinabi din ng secretariat na nakausap din niya si acting Office of Senate Sergeant-At-Arms (OSAA) chief Mao Aplasca at naghihintay pa sila ng instruction mula kay Senate President Alan Peter Cayetano kung maglalabas sila ng statement kaugnay ng paglabas ni Dela Rosa sa Senado.
Nitong Miyerkoles, nagtungo ang ilang miyembro ng media sa 6th floor kung saan nanatili ng halos tatlong araw si Bato sa tanggapan ni Senador Jinggoy Estrada subalit tumanggi silang magsalita nang tanungin kung andoon pa sa tanggapan ang senador.
Pinuntahan din ng media ang opisina ni Dela Rosa 5th floor subalit hinarang muli ng OSAA personnel at hindi sinagot ang mga tanong ng media kung nasa tanggapan o umalis na ng Senado ang mambabatas.
Huling nasulyapan si Bato mga bandang alas-7:00 ng umaga sa second floor matapos magtungo sa tanggapan ni Senate President Alan Peter Cayetano. Kasama niyang sumakay sa elevator si Senador Robin Padilla.
Nauna rin dito ang exclusive report ng Bilyonaryo News Channel at Abante na umalis na ng Senado si Dela Rosa badang alas-2:30 ng madaling-araw at sumakay sa sasakyan ni Padilla.
Trending
- NBA player Brandon Clarke pumanaw @ 29
- Gold medalist sa taekwondo, nalunod
- Matet, tinawag na ‘kampon’, rumesbak
- Vico, wagi ng $1M grant!
- Lito, basted kay LT?
- DA nagpatupad ng import ban sa live animals, animal products mula Greece
- Benhur Abalos namumurong Justice secretary
- Jed Mabilog bagong DILG undersec

