Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na dayuhan at isang Pilipino sa isang hair transplant clinic sa Poblacion, Makati City.
Isinagawa ng NBI Special Action Unit ang entrapment operation kung saan isang asset ang nagpanggap na kliyente at sumailalim sa hair graft procedure bago sinalakay ang klinika.
Bagama’t may business permit ang establisyimento, lumabas sa imbestigasyon na ang mga dayuhan nagsasagawa umano ng medical procedures nang walang kaukulang lisensya o Special Temporary Permits.
Karaniwang umaabot sa P300,000 ang bawat hair transplant procedure, ngunit natuklasang nag-aalok ang klinika ng mas mababang halaga na P220,000 kasama na ang gamot.
Nadiskubre rin na nagbebenta umano ang klinika ng mga hindi lisensyadong gamot.
Nagbabala naman ang NBI sa publiko tungkol sa panganib ng pagpapagamot sa mga hindi lisensyadong pasilidad.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI detention facility sa Muntinlupa City ang pitong suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila para sa paglabag sa Medical Act of 1959 at Philippine Pharmacy Act.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

