Ayon sa Salary Pulse: Philippines survey ng JobStreet by SEEK na isinagawa noong Pebrero 2026 sa 1,009 manggagawang Pilipino, 80% ang naniniwalang makatarungan ang kanilang sahod, ngunit 59% ang nagsabing hindi sila masaya sa kanilang kinikita.
Ipinaliwanag ni Agu Juanengo, Hirer Marketing Manager ng JobStreet by SEEK, na ang fairness ng sahod ay nakabatay sa dami at hirap ng trabaho kumpara sa natatanggap na bayad. Ngunit ang kasiyahan sa sahod ay nakadepende rin sa iba pang gastusin at pangangailangan sa buhay, tulad ng gastusin sa pamilya, bahay, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon sa JobStreet, mas palaban ang Gen Z pagdating sa paghingi ng umento, at 85% sa kanila ang nagsabing humiling na sila ng salary increase.
Sinabi rin ni Dannah Majarocon, Managing Director ng JobStreet by SEEK Philippines, na mas bukas ang Gen Z sa pakikipag-usap tungkol sa sahod at naniniwala silang walang masama sa paghingi ng umento.
Pinakamalaki ang tsansa ng pagtaas ng sahod sa mga industriyang mataas ang demand, tulad ng teknolohiya at konstruksyon, dahil kulang ang mga manggagawang may espesyal na kasanayan sa mga sektor na ito.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

