Halos 50 percent ng mga lokal na mangingisda sa municipal level sa Cavite ang pansamantalang huminto sa pangingisda dahil sa nararanasang oil price shock.
Ito ang iniulat ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA).
Ayon sa grupo, nasa 120% na ang itinaas ng fuel cost ng mga mangingisda na hindi na kayang i-sustain ng kanilang kakarampot na kita.
Giit ng PAMALAKAYA, hindi sapat ang pangakong fuel subsidy dahil pinipili at mabagal ang pamamahagi nito.
Naniniwala ang grupo na mas makakatulong sa mga mangingisda kung ibasura na lamang ang Oil Deregulation Law at tanggalin ang value-added tax sa mga fuel products.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

