Tinanggal sa puwesto ng Land Transportation Office (LTO) ang apat na law enforcement officers na nakatalaga sa National Capital Region office matapos madawit sa umano’y extortion incident sa Navotas City.
Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ng LTO na sangkot ang mga tauhan sa insidente noong Abril 23 sa kahabaan ng C3 Road.
Inatasan ang apat na opisyal na isuko ang kanilang mga gamit at paraphernalia sa LTO Operations Division sa loob ng 24 oras mula sa pagtanggap ng kanilang relief o reassignment orders.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, hindi kukunsintihin ng ahensya ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan at tiniyak ang masusing imbestigasyon sa reklamo.
“Hindi kukunsintihin ng LTO ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan. Nananatili kaming nakatuon sa pagtiyak na ang aming mga kawani ay ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may pinakamataas na antas ng integridad at propesyonalismo,” aniya.
Dagdag pa niya, papatawan ng kaukulang parusa ang mapatutunayang sangkot at hinihikayat ang publiko na ireport ang anumang katulad na insidente.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

