Tataas ng 34 sentimo kada kada kilowatt-hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Hulyo.
Sa abiso ng Meralco nitong Biyernes, sinabi nitong nadagdagan ng P0.3428/kWh ang overall electricity rate, dahilan upang umakyat ito sa P14.8261/kWh mula sa P14.4833/kWh noong Hunyo.
Dahil dito, ang isang kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay magkakaroon ng tinaayang P69 na dagdag sa kanilang electric bill.
Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng singil ay pangunahing dulot ng mas mataas na generation charges at mga buwis.
Kabilang din umano ang epekto ng shutdown ng Malampaya, tensyon sa Gitnang Silangan, at pagtaas ng demand sa kuryente.

Share.