Napatay ng mga puwersa ng pamahalaan ang tatlong suspek na umano’y sangkot sa pag-ambush sa limang pulis sa Shariff Aguak sa isinagawang military operation sa kabundukan ng Maguindanao del Sur nitong Linggo.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng surgical operation sa Barangay Tuayan Mother ang mga tropa ng pamahalaan laban sa mga miyembro ng grupong Dawlah Islamiya (DI) na hinihinalang nagtatago sa lugar matapos ang pinalakas na manhunt ng pulisya at militar.
Sinabi ni Lt. Col. Ronald Suscano, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, na ang mga napatay ay bahagi ng grupong nasa likod ng ambush noong Marso 28 na ikinasawi ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ang mga pulis ay pauwi na sana sa kanilang kampo sa Shariff Aguak matapos ang peace and security operations nang sila ay tambangan ng tinatayang 15 armadong lalaki.
Sa follow-up clearing operations, narekober ng mga sundalo ang mga bangkay ng mga suspek kasama ang tatlong mahabang baril at mga bala.
“Ground troops are still conducting a clearing operation while other Army units are pursuing the gunmen,” pahayag ni Suscano.
Nauna rito, noong Abril 22 ay nagsampa ng kaso ang Special Investigation Task Group laban sa 11 indibidwal na sangkot sa insidente, kabilang ang multiple murder, attempted murder, at theft.
Patuloy ang operasyon ng militar habang tinutugis pa ang mga natitirang miyembro ng armadong grupo.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

