Aabot sa 28 lugar sa bansa ang makararanas ng “dangerous” heat index sa Sabado, Mayo 9, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sinabi ng PAGASA na ang heat index na nasa 42°C hanggang 51°C ay kabilang sa danger level at maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kapag matagal na nababad sa init.
Mga lugar na may inaasahang 44°C heat index:
-Dumangas
-Laoag City
-TAU-Camiling
-Sangley Point
-Cuyo
-Roxas City
Mga lugar na may 43°C heat index:
-Butuan City
-Dagupan City
-MMSU-Batac
-Bacnotan
-Aparri
-Tuguegarao City
-ISU-Echague
-CLSU-Muñoz
-Cubi Point
-Alabat
-San Jose
-Iloilo City
Mga lugar na may 42°C heat index:
-NAIA
-Science Garden
-Sinait
-Clark Airport
-Infanta
-Mulanay
-Guiuan
-Dipolog
-Zamboanga City
-Laguindingan Airport
Pinaalalahanan naman ng Department of Health ang publiko na uminom ng maraming tubig, kumain ng makatas na prutas, umiwas sa sobrang caffeine, magsuot ng preskong damit, at regular na maglagay ng sunblock upang maiwasan ang masamang epekto ng matinding init.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

