Posibleng umabot ng tatlong buwan ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte sa impeachment court dahil umaabot umano sa 25 na testigo ang ihaharap ng public at private prosecutors laban sa pangalawang pangulo.
Ito ang nabatid kay lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro subalit tumanggi muna itong pangalanan ang kanilang mga testigo na magdidiin sa pangalawang pangulo sa apat na Articles of Impeachment na inakyat ng Kamara sa Senado.
“Baka umabot ito ng 3 months from July 6. Kasi we have to understand, kami, for example, we have an average of 25 witnesses. Every witness, after direct examination, iko-cross (examine) ‘yun ng defense,” ani Luistro.
Wala pang impormasyon ang prosecution team kung ilan ang ihaharap na testigo ng depensa para ipawalang sala naman ang pangalawan pangulo subalit iko-cross examine din aniya ito ng prosecutors.
“So it will really take time bago ka matapos sa isang testigo. And that is why also, we are looking forward na magset ang impeachment court, ng pretrial Kasi dito sa pretrial,magkakaroon tayo ng marking of exhibits, submission of list of witnesses, submission of documents plus stipulations and admissions,” ani Luistro.
“Pwede kasi meron pagkasunduan na at hindi na pagtalunan pa during the trial. Lik of example the fact that the video of the vice president is genuine. Pwede magkaroon ng admissions doon para hindi na pagtalunan pagdating sa court,” dagdag pa ng mambabatas.
Layon umano ito na mapaiksi at hindi na umabot ng tatlong buwan ang paglilitis dahil mababawasan ang mga witnesses na ihaharap ng prosecution team ang maging sa panig ng depensa.
Samantala, bagama’t hindi nagbanggit ng pangalan si Luistro kung sino-sino ang kanilang mga witnesses, isa sa mga unang nabanggit sa mga nakaraang buwan ay si dating Sen. Antonio Trillanes III.
Kaugnay ito ng P181 million na pumasok umano sa bank account nina Duterte na mula umano sa drug lord sa Davao.
Trending
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer
- 13 miyembro ng majority sa Senado, solid – Cayetano
- Sirit-singil sa kuryente sa Hunyo, ibinabala ng Meralco
- Presyo ng petrolyo muling sisirit
- Pagkalat ng Ebola mas mabilis kaysa sa responde – WHO

