Nakatanggap ng P4.1 milyong halaga ng reward money mula sa Philippine National Police (PNP) ang 21 informant.
Ayon sa PNP, ang mga ibinigay na mahahalagang impormasyon ng mga naturang indibidwal ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga wanted person sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Pinakamalaking halaga na naibigay ang P1 milyon para sa isang impormante na tumulong sa pag-aresto sa isang akusado na sangkot sa umano’y terrorism financing.
Pinakamababa naman ang halagang P130,000 na reward money para sa iba pang impormante.
“Sa simpleng pagbabahagi ng impormasyon, nakatulong kayo sa pag-iwas sa kapahamakan at pagprotekta ng buhay,” pahayag naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

