Patay ang dalawang sales agent mula Bukidnon nang holdapin at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Amai Manabilang Bumbaran nitong Lunes.
Kinilala ang isa sa mga biktima na si Roger Yumul, na nagtatrabaho bilang kolektor, habang ang kasama nito ay isang canvasser ng mga muwebles.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagtungo umano ang dalawa sa lugar upang magbenta ng cabinet at iba pang gamit sa bahay.
Huli pa silang nakitang buhay habang umiikot sa ilang barangay para mag-alok ng kanilang produkto.
Bago nangyari ang krimen, nakapag-selfie pa umano ang dalawang biktima—isang larawang ngayo’y itinuturing na huling alaala bago ang trahedya.
Batay sa ulat ng pulisya, nilapitan umano ng mga armadong suspek ang mga biktima bago pinagbabaril at tinangay ang tinatayang P5,000 na kita mula sa kanilang bentahan.
Sa ngayon, nakaburol na ang labi ni Yumul sa Maramag habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation at masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa insidente.
Trending
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”
- NBI, mag-a-apply ng cyber warrant
- Larawan ng 4 ‘bigtime’ most wanted sa Bulacan
- ‘Killer’ ng 14 sundalo, arestado sa Quirino

