Nasamsam na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon, April 29 ang 19 sasakyan ng mga Discaya matapos itong i-release ng Bureau of Customs (BOC).
At 15 dito, kasalukuyan nang under constructive distraint o legal na hakbang ng BIR para mapreserba o ma-secure ang mga ari-arian habang gumugulong pa ang imbestigasyon; at napag-alaman ding naka rehistro sa pangalan nina Pacifico F. Discaya II at Cezarah Rowena Discaya.
Habang ang apat na iba pang sasakyan, subject to constructive seizure dahil sa umiiral na tax assessment laban sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation.
Matatandaang naghain ang BIR ng criminal tax cases sa Department of Justice (DOJ) noong 2025 kaugnay ng P7.18-B tax liabilities ng mga Discaya at P998-M na tax liability naman mula sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

