Handa pa ring dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang 18 dating bodyguard ng dating kongresistang si Zaldy Co, ayon sa kanilang abogado na si Atty. Virgilio Baligod.
Sinabi ni Baligod na nais pa rin ng kanyang mga kliyente na humarap sa Senado matapos ang pagpapalit ng liderato sa kamara.
Ipinaliwanag niya na noong Hunyo 8, hindi sila dumalo sa consultative meeting na pinangunahan ni Senador Erwin Tulfo dahil ipinaalam sa kanila na isa lamang itong “meeting” at hindi kinakailangang dumalo.
“Kaya nung sinabihan ako na you need not attend, nag-presscon kami sa office ni Senator Padilla. Pero pagkatapos ng presscon na nalaman ko na nandoon pa rin sila. Sabi ko, pupunta na lang kami sa session hall. Pag punta namin eh biglang inadjourn,” ani Baligod.
Samantala, nagtungo sina Baligod at ang mga dating bodyguard sa Department of Justice upang lagdaan ang kanilang counter-affidavit laban sa reklamong libelo at cyberlibelo na isinampa ni La Union 1st District Rep. Paolo Ortega.
Ayon kay Baligod, hihilingin nilang ibasura ang reklamo dahil umano sa kawalan ng hurisdiksyon.
Noong Hunyo 17, nahalal si Senador Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President kapalit ni Alan Peter Cayetano. Nahalal naman si Senador Tito Sotto bilang bagong Senate President Pro Tempore
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

