Umakyat sa 17 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Inday at enhanced Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado, Hulyo 11.
“Meron tayong 17 reported dead individuals. Marami diyan galing sa Malapatan, Sarangani. Merong lima from Lanao del Sur sa BARMM, at dalawa ‘yung sa Bukidnon,” pahayag ni OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa panayam ng DZBB.
Ani Alejandro, karamihan sa mga nasawi ay dahil sa landslide na dulot ng malalakas na pag-ulan.
Bukod sa mga nasawi ay mayroon ding mga nawawala na patuloy pang biniberipika.
“There were several injured individuals na reported pero mababa naman ito,” sinabi ni Alejandro.
Aabot naman sa 112,000 pamilya ang apektado ng Bagyong Inday.
“As of this morning, mayroon na tayong 112,000 families more or less na directly affected ng Habagat at Typhoon Inday coming from 404 barangays from Region 2, CALABARZON, Region 3, 5 hanggang Region 12, BARMM and Zamboanga,” dagdag pa ni Alejandro.
Mayroong 2,900 pamilya o halos 11,000 indibidwal ang tumutuloy sa 77 evacuation centers.
Samantala, mayroong 7,000 pamilya ang nasa labas ng mga evacuation center ngunit patuloy na minomonitor ng mga awtoridad.
Posible pang tumaas ang 32 lugar na unang iniulat na binaha dahil ang Habagat ay posiblen maranasan pa hanggang Lunes.
“Today heavy in Visayas specifically Aklan, then tataas sa Luzon, Regions 4B, 4A, 3, even NCR hanggang Zambales, Bataan and even Region 1 tataas hanggang bukas and Monday,” aniya.
======
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

