Nakapagtala ng nasa 143 na mga imprastrukturang nasira sa Pampanga dahil sa baha dulot ng Habagat at mga bagyo.

Batay sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Situation Report No. 97 na inilabas nitong September alas-5, 5:00 ng hapon, umaabot sa ₱1.2-B ang halaga ng nasira, hindi pa kasama dito ang mga hindi pa na-asses ang lawak ng pinsala.

Kabilang sa mga napinsala ang mga slope protection, dike, floodwall, river wall, road, culvert, irrigation line at iba pang flood-control structures na matatagpuan sa 18 bayan at syudad.
Pinakamaraming infrastructure damage ang naitala sa Floridablanca na may 34, sinundan ng City of San Fernando na may 18 at 12 naman sa Guagua.

Ang iba pang iniulat na damaged infrastructure kada LGU ay Floridablanca – 34; Guagua – 12; City of San Fernando – 18; Magalang – 11; Minalin – 10; Arayat – 8; Porac – 7; San Simon – 7; Bacolor – 7; Mabalacat City – 6; Candaba – 6; San Luis – 3; Lubao – 2; Macabebe – 2; Mexico – 7; Sta. Rita – 1; Sta. Ana – 1;at Apalit – 1

Sa Minalin, kabilang sa pinakamalalaking iniulat na pinsala ang collapsed concrete slope protection sa fishpond side na tinatayang 150 metro ang haba, na may reported damage cost na ₱200 milyon.

May isa pang ₱200-milyong halaga ng pinsala na kaugnay ng scouring, sluice gate, check gate at breached tail dike sa Sta. Rita at Sta. Catalina sections.

Sa Candaba, kabilang sa iniulat ang major washout o severe slope failure sa Barangca Dike sa Sitio 5, na may reported damage cost na ₱157.5 milyon.

Sa San Luis, tatlong infrastructure ang iniulat na may pinsala, kabilang ang dike/road sa Barangay Sta. Rita na may reported damage cost na ₱100 milyon, eroded river bank sa Sta. Catalina na ₱1 milyon at earth slope failure sa Sta. Cruz Poblacion na ₱18.75 milyon.

Sa Macabebe, dalawang infrastructure ang iniulat na napinsala, kabilang ang Consuelo Dike at mga bahagi ng dike sa Candelaria, na may naiulat na damage cost na hanggang ₱100 milyon.

Patuloy namang isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan ang monitoring, sandbagging, temporary restoration, barricading at iba pang preventive measures sa mga lugar na may structural damage.(DGravador)

Share.