Patay ang sampung miyembro ng Dawlah Islamiya–Maute Group sa isinagawang law enforcement operation ng Joint Task Force Zampelan sa Lanao del Sur nitong Abril 17, 2026.
Ayon sa militar, pinangunahan ang operasyon ng 103rd Infantry (Haribon) Brigade ng Philippine Army, katuwang ang iba pang security forces kabilang ang CIDG, RSOT, at mga awtoridad ng BARMM.
Iniugnay ang mga napatay sa naganap na pananambang sa Munai, Lanao del Norte noong Enero 23, 2026, kung saan apat na sundalo ang nasawi at isa ang sugatan.
Sa ulat, kabilang sa mga napatay ang isang mataas na lider ng grupo.
Wala namang naiulat na casualty sa panig ng pamahalaan.
Narekober sa lugar ng engkwentro ang ilang baril, isang improvised explosive device (IED), at mga materyales na ginagamit sa paggawa ng pampasabog.
Isang sanggol ang ligtas na nasagip sa operasyon at agad na nabigyan ng medikal na atensyon.
Ayon kay Brig. Gen. Billy Dela Rosa, malaking dagok ito sa operasyon ng Maute Group.
Samantala, sinabi naman ni Maj. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr. na mahalagang hakbang ito sa patuloy na kampanya laban sa terorismo at sa pagpapanumbalik ng kapayapaan sa rehiyon.
Trending
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Crime gang leader todas sa engkuentro sa Isabela
- Lider ng Magsanoc group patay, 2 huli sa engkuentro
- 2 katao patay sa sumabog na acetylene tank

