Naaresto ang pangunahing suspek sa armadong pagnanakaw na ikinasawi ng Lebanese na negosyanteng si Fahed Hamdan at kanyang asawang Pilipina na si Anora Hamdan noong Abril 10 sa Zamboanga City
Kinilala ang suspek sa pangalang Binasing Jamil y Cotamora, na nadakip sa Lantawan, Basilan Province, sa isinagawang hot pursuit operation ng mga operatiba ng Basilan Police office , Zamboanga City Police Office at katuwang ang Police Regional Office 9.
Patuloy namang hinahanap ang iba pang posibleng kasabwat sa insidente.
Nagpahayag ng papuri ang ilang opisyal sa mabilis na aksyon ng kapulisan, kabilang si Khymer Olaso, sa kanilang kooperasyon upang mabigyang linaw at hustisya ang kaso.
Inaasahan ang karagdagang detalye hinggil sa insidente sa mga susunod na ulat.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

