DIRETSO ang pamamayagpag  ni  Alex Eala sa world tennis nang talunin Elena‑Gabriela Ruse  sa Cincinnati Open matapos magretiro ang Romanian dahil sa injury sa paa.

 Sa oras ng pagtigil ng laban, lamang na si Eala ng Six-One, Three-Zero, at tuloy‑tuloy ang kanyang pag‑angat sa WTA live rankings kung saan siya ay nasa Number Eighteen.

 Dahil sa panalo, inaasahang mas lalapit pa siya sa Top Fifteen kung magtatagumpay sa susunod na round kontra World Number Ten Amanda Anisimova.

Ginanap ang laro sa Lindner Family Tennis Center, Mason, Ohio

Si Eala ay mabilis na nakapagtala ng Six-One sa unang set at agad na nag‑double break sa ikalawang set bago nagkaroon ng rain suspension.

Si Ruse ay humingi ng medical timeout at pinatali ang kanyang kanang paa, ngunit hindi na nakabalik sa laban.

Sa kasalukuyan, umakyat na si Eala sa Number Eigthteen sa WTA live rankings na may Two-Thousand One-Hundred Sixty-Six points.

Kung makakapasok siya sa Round of Sixteen o mas mataas, posibleng umakyat pa sa  Sixteen o Number Seventeen range, depende sa resulta ng ibang seeded players.

Ang panalong ito  ni Eala ang ikalabing-isa  sa huling labintatlong  laban, kabilang ang kanyang unang WTA Five Hundred  title sa DC Open.

Makakaharap niya si Anisimova na isang matibay na kalaban na may malakas na baseline game.

Alalahanin natin:

“Hindi lang injury ang tumapos sa laban, kundi ang matinding pwersa ni Alex Eala. Sa kanyang pag‑angat sa Number Eighteen  sa WTA live rankings, patuloy ang paglalakbay ng Filipina tennis superstar patungo sa Top Fifteen — at posibleng mas mataas pa kung magtatagumpay kontra Anisimova.”

Share.
Exit mobile version