Palaisipan sa pulisya matapos matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang katawan sa gilid ng kalsada sa Purok Uno, Barangay San Ignacio, San Pablo City, Laguna noong Biyernes, Agosto 14.

Laking gulat ng mga residente nang mapansin ang isang sako na nakalagay sa tabi ng kalsada na hinihinalang may lamang katawan ng tao.

Batay sa San Pablo City Community Police Sub-Station, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang barangay kagawad hinggil sa naturang sako.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya, kabilang ang pakikipanayam sa mga posibleng saksi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at kung paano ito napunta sa lugar.

Humingi na rin ng technical assistance ang pulisya sa Provincial Forensic Unit 4-A para sa pagsusuri sa katawan at iba pang ebidensiyang maaaring makatulong sa paglutas sa insidente.

===

Share.
Exit mobile version