Nag-alala ang mga tagahanga ni Claudine Barretto matapos siyang magbahagi ng isang post sa social media na nagpapakitang nasa ospital siya at humihingi ng panalangin.

Sa mga video na kanyang ibinahagi sa Facebook at Instagram, makikitang nakahiga si Claudine sa isang hospital bed habang isinusulong siya papunta sa isang silid para sa medikal na paggamot.

Hindi isiniwalat ng aktres ang dahilan ng kanyang pagkakaospital, ngunit nakiusap siya sa kanyang mga tagasubaybay na ipagdasal siya.

Sa kanyang post, ipinahayag din niya ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

“Ama, Ikaw ang Hari sa gitna ng unos. Ako ay mananahimik at kikilalaning Ikaw ang Diyos,” isinulat niya.

Maraming personalidad mula sa industriya ng aliwan ang nagpahayag ng pag-aalala para sa aktres.

Patuloy namang nananalangin at umaasang mabilis na gagaling si Claudine ang kanyang mga tagahanga at mga kaibigan sa industriya.

Share.